Add parallel Print Page Options

27 Kinakailangang mamuhay kayong karapat-dapat sa ebanghelyo ni Cristo upang kung ako ay pumunta riyan at makita kayo o hindi man ay makabalita ako ng patungkol sa inyo, na kayo ay nananatiling matatag sa iisang espiritu at iisang isipan at sama-sama ninyong ipinagtatanggol ang pananampalataya ng ebanghelyo. 28 At hindi kayo maaaring takutin sa anumang paraan ng inyong mga kaaway. Sa kanila, ito ay maliwanag na palatandaan patungo sa kanilang ikapapa­hamak. Para sa inyo, ito ay sa ikaliligtas, at ito ay mula sa Diyos. 29 Sapagkat ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang sumampalataya sa kaniya kundi ang magbata rin naman ng hirap alang-alang sa kaniya.

Read full chapter